![]() KASUNDUAN AT MGA KONDISYON SA PAGGAMIT NG WEBSITE
Mabuhay! Ito ang Website para sa Aruga sa Batang may Kanser. Ginawa ito para sa mga pasyente, magulang, tagapag-alaga at mga health professionals na nangangalaga sa mga batang may kanser. Layunin nito na maipagkaloob ang ilan sa mga serbisyong medikal sa pamamagitan ng website na ito at magbigay ng mga impormasyong maaaring makatulong sa inyo sa pag-aalaga sa mga batang may kanser lalo na kung kayo ay nasa sa inyong mga tahanan. Ginawa ang mga serbisyong ipinagkakaloob sa website na ito upang magkaroon kayo ng pagkakataon na makakuha ng impormasyon, makapag-konsulta o kaya mai-refer ng inyong doktor sa isang espesyalista na malapit sa inyo o sa isang espesyalista tungkol sa sakit ng inyong anak kahit na hindi kayo pumupunta sa ospital na naka-pokus sa mga pangangailangan na tungkol sa “palliative care” o sa mga pangangalaga upang maibsan ang mga nararamdamang sintomas ng batang may sakit na kanser. Kinikilala at sumasang-ayon ang sinumang gumagamit ng website na ito sa mga mga serbisyong nabanggit. May mga limitasyon at kailangang pag-ukulan nang sapat na konsiderasyon at pagsusuri ang mga serbisyong nakapaloob sa website maging ang anumang peligrong kaakibat nang paggamit ng serbisyo o impormasyon. Ang serbisyo ng website na ito ay ang pagkakaloob ng mga pangkalahatang impormasyon tungkol sa pag-aalaga sa mga batang may kanser. Anumang mga impormasyong nakuha sa website gamit ang serbisyong ito ay hindi marapat na ituring na kapalit ng isang pormal na konsultasyon sa isang doktor. Ang mga namamahala sa website ay hindi rin mananagot sa anumang pangyayari na maaaring idulot nang maling paggamit o maling pag-unawa sa mga impormasyon na ito. Sa paggamit ng serbisyo ng website na itinuturing na “telemedicine” o konsultasyon sa isang doktor sa pamamagitan ng website, ito ay maaari lamang gawin sa pamamagitan ng pormal na pagsali sa programa sa pamamagitan ng inyong doktor na dapat ay rehistradong doktor para sa aming programa. Anumang mga konsultasyon sa pamamagitan nito ay pananagutan ng doktor na tumingin sa inyo subalit ito ay sakop ng mga sumusunod na limitasyon:
Ang mga konsultasyon sa pamamagitan ng telemedicine ay mayroong iskedyul. Bibigyan lamang kayo nito para sa susunod inyong pagpunta matapos ang telekonsultasyon. Gayundin, ang mga doktor, nurses at administrador ng website ang siyang mananagot sa pagsisiguro na anumang impormasyong medikal na inyong ibinigay ay mananatiling kumpidensyal at walang sinuman ang maaaring makakuha o mag-download nito nang walang pahintulot ng pasyente o ng magulang o ng otorisadong kamag-anak.
COPYRIGHT AT TRADEMARK Lahat ng mga nilalaman ng website gaya ng mga gamit pang edukasyon, mga litrato, graphics, mga imahen, mga likhang sining, mga logo at iba pa ay pag-aari ng UPOU, Faculty of Management and Development Studies, Philippine Children’s Medical Center, Bicol Regional Training and Teaching Hospital, Vicente Sotto Memorial Medical Center, Southern Philippines Medical Center, Cebu Doctors’ University Hospital, The Ruth Foundation for Palliative and Hospice Care, Kythe Foundation, Inc. at Education in Palliative and End-of-Life Care (EPEC) – Pediatrics, End-of-Life Nursing Education Consortium (ELNEC). Protektado ito ng batas ng Pilipinas tungkol sa copyright gayundin ng international copyright trademark at iba pang batas tungkol sa intellectual property. Dahil dito, hindi ito maaring gamitin at padamihin sa kabuuan o bilang hiwalay na bahagi nang anumang bagay o pamamaraan nang walang pahintulot ng mga administrador ng website.
SITE ACCESS AND LICENSES Ang UPOU FMDS at PCMC ay nagkakaloob sa inyo nang limitadong karapatan na gamitin ang mga nilalaman at materyales sa website na ito para sa inyong pansariling gamit at sa mga hindi pangkomersyong layunin na naaayon sa mga kasunduan at mga kondisyon dito. Ang lahat ng mga karapatan sa website at mga nilalaman nito na hindi sinabing ipagkakaloob ay nakareserba. Pumayag po kayo na ang paggamit ng website at mga nilalaman nito ay para lamang sa paraang umaayon sa naaangkop sa batas at ayon na rin sa mga kasunduan at kondisyon nang paggamit na hindi naman sumisikil o lumalabag sa mga karapatan ng ikatlong Partido. Hindi maaaring gamitin para sa legal, huridikal, administratibo o iba pang pagsasagawa sa harap ng isang pagpupulong ang anumang dokumento, datos, impormasyon o ulat na naging bunga o nakuha mula sa website o mula sa mga aplikasyon nito o gamit.
SECURITY Ang website na ito ay gumagamit ng isang “encryption software” upang maprotektahan ang mga impormasyon ng mga gumagamit ng website. Subalit kailangang maunawaan na sa kabila nang paglalagay ng lahat nang posibleng paraan upang maseguro ang seguridad ng mga impormasyon sa website na ito ay ang posibilidad na pagpalya at hindi kayang masiguro nang buong-buo. Dahil dito, bilang gumagamit ng aming website, kayo po ay pumapayag na umako ng responsibilidad sa peligro nang hindi sinasadya/ o hindi otorisadong pagkalat ng mga pribadong impormasyon o pagkakuha ng impormasyon, pagka-antala nang pagkuha ng impormasyon, hindi pagkakuha ng impormasyon, o pagkawala o pagka- “corrupt” ng datos o impormasyon habang ito ay hindi pa pumapasok sa loob ng “data base” ng aming website. Anumang impormasyon na makakalap at magiging bahagi ng aming data base ay mananatiling kumpidensyal. Ang administrador ng website ay magsisikap na gamitin ang lahat ng mga maaaring paraan nang pag-iingat upang makasunod sa batas na may kinalaman sa pag-iingat sa pansariling impormasyon at mga mga talang medikal.
CREDIT TRANSACTIONS FOR HOME CARE SERVICES Ang pagbibigay ng serbisyong pag-aalaga sa inyong tahanan ay libre sa panahong tumatakbo pa ang programa sa pananaliksik o research program. Sa panahon na matapos ito, ang bayad ukol sa sa serbisyong ipagkakaloob sa inyong tahanan o lugar ayon sa serbisyo ng website ukol sa paghiling ng isang pagbisita sa bahay ng isang nars ay inyong babayaran direkta sa nars na pupunta ayon sa halagang ilalagay batay sa website. Isang “invoice” ang inyong pipirmahan bilang patunay ng inyong pagbayad.
REMOTE CONSULTATION SERVICES Sa pagpayag ninyo at paghingi ng serbisyo ukol sa konsultasyon sa website, inyong kinikilala at sinasang-ayunan ang mga sumusunod:
LIMITATION OF LIABILITY FOR ON-LINE CONSULTATION AND HOME CARE SERVICES Anumang mga di inaasahang pangyayari na nauukol sa paggamit ng konsultasyon sa website na ito at sa paghiling ng serbisyong pangkalusugan sa inyong tahanan ay pananagutan ayon sa mga kasunduang pinirmahan ng mga institusyon na magkakaloob ng konsultasyon sa website at serbisyong pangkalusugan sa inyong tahanan.
STATEMENT OF AGREEMENT Sa paggamit ninyo ng aming website at pag-“Click” sa ibaba sa “sumasang-ayon” kayo ay nagsasasaad ng inyong pag-unawa sa mga nakapaloob sa kasunduan na ito at sumasailalim sa mga batas ng Pilipinas at iba pang mga aplikableng batas na internasyunal na naaayon sa isang pagpasok sa kasunduan.
Sumasang-ayon ako (I agree)
|

